TAGLISH
ni Bienvenido Lumbera
May nagtanong kung
ang paggamit ng Taglish sa kolum na ito ay recognition on my part na tinanggap kong maaaring gawing basis ng wikang “Filipino” and Taglish. Ngayon
pa man ay nililinaw ko nang hindi lengguwahe and Taglish. Ito ay isa lamang convenient
vehicle para maabot sa kasalukuyan ang isang articulate sector ng ating lipunan na
unti-unting nagsisikap gumamit ng Filipino.
Importanteng makita ng
sinumang gumagamit ng Taglish na limited and gamit nito. Dahil sa binubuo ito ng mga salitang galing sa dalawang wikang not of the same
family, makitid ang range of expressiveness nito. Ang sensibiliteng ni-reflect nito ay pag-aari
ng isang maliit na segment ng ating lipunan, at ang karanasang karaniwang nilalaman nito ay may
pagkasuperficial.
Isang makatang malimit banggitin kapag pinag-uusapan ang paggamit sa Taglish ay
si Rolando S. Tinio. Sa kaniyang koleksyon ng tulang tinawag na Sitsit sa
Kuliglig, may ilang mga tula na pinaghalong English na sulatin. Effective lamang ang Taglish, gaya ng
pinatutunayan na rin ng mga tula ni Tinio, kapag Americanized intellectual ang speaker, at
ang tone ng tula ay medyo tongue-in-check or sarcastic. At kahit na sa ranks ng
Americanized Filipino intellectual, and profounder aspects of cultural alienation ay hindi kayang
lamanin nang buong-buo ng Taglish.
Better described marahil
ang Taglish as a “manner of expression.” Ibig sabihin, sa mga informal occasions, mas natural sa isang English-speaking Filipino na sa
Taglish magsalita. Sa light conversation, halimbawa. Pero para sa mga okasyong nangangailangan ng
sustained thought, Taglish simply won’t do. Walang predictive patterns ang paghahalo ng
vocabulary at syntax ng dalawang lengguwaheng magkaiba ng pamilya. Dahil dito, maraming
stylistic and logical gaps na nag-iinterfere sa pag-uunawaan ng manunulat at mambabasa.
Kailangan sa Taglish
ang spontaneous interaction ng nagsasalita at ng nakikinig. Sa pamamagitan ng physical gestures, facial expressions, o tonal inflection,
nagagawa ang filling-in na siyang remedyo sa mga stylistic at logical gaps. Maaari namang sa
pagtatanong linawin ng nakikinig ang anumang ambiguity sa sinasabi ng kausap.
Samakatuwid, ang
pagsusulat sa Taglish, cannot be a permanent arrangement. Kung talagang nais ng manunulat na magcommunicate sa nakararaming mambabasa,
haharapin niya ang pagpapahusay sa kaniyang command ng Filipino. Para sa manunulat, isang transitional “language” lamang ang Taglish. Kung tunay na nirerecognize niya na
napakaliit at lalo pang lumiit ang audience for English writing, hindi siya
makapananatiling Taglish lamang ang kaniyang ginagamit. Maliit pa rin ang audience na nakauunawa sa
Taglish pagkat nagdedemand ito ng adequate control of English. Magbalik sa English. O tuluyang
lumapit sa Filipino. Ito ang alternatives para sa Taglish users ngayon na hangad pa ring
magpatuloy sa pagsusulat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento