Sabado, Enero 12, 2013

Magkabilaan ni Joey Ayala


MAGKABILAAN
Joey Ayala

Ang katotohanan ay may dalawang mukha
Ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba
May puti, may itim, liwanag at dilim
May pumapaibabaw at may sumasailalim

Ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit
Ang araw ay sa gabi, ang lamig naman ay sa init
Kapag nawala ang isa ang isa’y hindi mababatid
Ang malakas at ang mahina’y magkapatid

Magkabilaan ang mundo (3x)

Ang hirap ng marami ay sagana ng ilan
Ang nagpapakain, walang laman ang tiyan
Ang nagpapanday ng gusali at lansangan
Maputik ang daan tungo sa dampang tahanan

May mga haring walang kapangyarihan
Mayroon ding alipin na mas malaya pa sa karamihan
May mga sundalo na sarili ang kalaban
At may pinapaslang na nabubuhay ng walang hanggan

Magkabilaan ang mundo (3x)

May kaliwa’t may kanan sa ating lipunan
Patuloy ang pagtutunggali, patuloy ang paglalaban
Pumanig ka, pumanig ka, huwag ng ipagpaliban pa
Ang ‘di makapagpasiya ay maiipit sa gitna

Bulok na ang haligi ng ating lipunan
Matibay ang pananalig na ito’y palitan
Suriin mong mabuti and iyong paninindigan
‘Pagkat magkabilaan ang mundo

Magkabilaan ang mundo (3x)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento