MAGKABILAAN
Joey
Ayala
Ang
katotohanan ay may dalawang mukha
Ang
tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba
May
puti, may itim, liwanag at dilim
May
pumapaibabaw at may sumasailalim
Ang
tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit
Ang
araw ay sa gabi, ang lamig naman ay sa init
Kapag
nawala ang isa ang isa’y hindi mababatid
Ang
malakas at ang mahina’y magkapatid
Magkabilaan
ang mundo (3x)
Ang
hirap ng marami ay sagana ng ilan
Ang
nagpapakain, walang laman ang tiyan
Ang
nagpapanday ng gusali at lansangan
Maputik
ang daan tungo sa dampang tahanan
May
mga haring walang kapangyarihan
Mayroon
ding alipin na mas malaya pa sa karamihan
May
mga sundalo na sarili ang kalaban
At
may pinapaslang na nabubuhay ng walang hanggan
Magkabilaan
ang mundo (3x)
May
kaliwa’t may kanan sa ating lipunan
Patuloy
ang pagtutunggali, patuloy ang paglalaban
Pumanig
ka, pumanig ka, huwag ng ipagpaliban pa
Ang
‘di makapagpasiya ay maiipit sa gitna
Bulok
na ang haligi ng ating lipunan
Matibay
ang pananalig na ito’y palitan
Suriin
mong mabuti and iyong paninindigan
‘Pagkat
magkabilaan ang mundo
Magkabilaan
ang mundo (3x)